Payong-payong driver na drug suspect, arestado sa operasyon ng awtoridad sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte; Mahigit ₱8,900 halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam
- Teddy Borja
- Feb 4
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas "Khalil", 32-anyos, may asawa, driver ng payong-payong, at residente ng nasabing barangay.
Bandang alas-10:55 ng gabi ng February 2, 2026, nang rumisponde ang mga tauhan ng Sultan Kudarat Municipal Police Station matapos maaresto ang suspek habang isinasailalim sa personal checking sa pagpasok sa paligid ng Camp Darapanan sakay ng isang tricycle na walang plate number.
Nasamsam mula sa suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit-kumulang 1.32 gramo at tinatayang halaga na ₱8,976.00, gayundin ang isang ₱500 bill, lisensya sa pagmamaneho, isang disposable lighter, isang improvised glass tooter, isang cellular phone, at ang tricycle na ginamit ng suspek.
Matapos ang wastong dokumentasyon, inventory, at markings, ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Sultan Kudarat MPS para sa tamang disposisyon.
Kasalukuyang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa suspek sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments