top of page

Payong-payong driver, patay matapos barilin ng 2 armadong suspek sa Cotabato City

  • Jan 19
  • 1 min read

iMINDSPH



Patay ang payong payong driver matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa Donya Theresa Street, MB Poblacion.


Naganap ang pamamaril bandang alas-7:23 ng umaga, January 18, 2026.


Ang biktima ay kinilalang sa alyas na “Epong”, 25 taong gulang, binata, at residente ng Purok Pennin, Barangay Rosary Heights 6, Cotabato City.


Minamaneho umano ng biktima ang kanyang payong-payong nang bigla na lamang siyang pagbabarilin ng dalawang lalaking suspek na kapwa nakasuot ng itim na hoodie jacket at asul na maong.


Ilang beses umanong pinaputukan ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.


Agad na isinugod ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.


Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang limang basyo ng bala na hinihinalang mula sa kalibre .45, tatlong fired bullet, at isang na motorsiklo. Ang mga ebidensya ay isinailalim na sa forensic processing ng Regional Forensic Unit–BARMM.


Patuloy namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng PS1-CCPO laban sa mga tumakas na suspek, habang iniimbestigahan din ang posibleng motibo ng krimen na pinaniniwalaang may kaugnayan sa ilegal na droga.


Sa rekord ng pulisya, lumalabas na ang biktima ay naaresto noon sa kasong carnapping Marso 18, 2022.


Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation ng Cotabato City Police Office upang matukoy ang pagkakakilanlan at maaresto ang mga salarin.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page