PBBM, nais na mabigyan ng direktang pondo ang LGU para sa pagpapatayo ng classrooms sa buong bansa
- Diane Hora
- Oct 23
- 1 min read
iMINDSPH

Nais din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabigyan ng direktang pondo ang mga LGU para sa pagpapatayo ng classrooms sa bansa.
Nakatakdang magkaroon ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Education (DepEd), at local government units para sa pagpapatayo ng mga silid aralan sa bansa. Ito ang ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.
Ito’y alinsunod na rin sa ninanais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabigyan ng direct funding ang mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatayo ng classrooms.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, ayaw ng Pangulo na babagal-bagal sa pagkilos lalo na't nakatuon na din ang pansin ng Punong Ehekutibo sa mabilis na pagsasaayos ng mga classrooms at pagtutulungan ng DPWH, DepEd, at LGU.



Comments