PDRRMO Maguindanao del Norte nagsagawa ng inspeksyon sa Datu Blah Sinsuat.
- Diane Hora
- Feb 3
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa noong Enero 30, 2026 ang inspeksyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Maguindanao del Norte alinsunod sa naging direktiba ni Governor Datu Tucao Mastura.
Pinangunahan ang inspeksyon ng PDRRMO sa pamumuno ni OIC na si Engr. Muslimin Paglala.
Sa isinagawang hakbang, tinitiyak ang kahandaan, kaligtasan, at sapat na mga pasilidad ng evacuation center upang masiguro ang maayos at ligtas na pananatili ng mga pamilyang apektado ng lindol. Ang operasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa mga lokal na opisyal.



Comments