top of page

PDRRMO Maguindanao del Norte, pinangunahan ang pamamahagi ng disaster preparedness assistance sa Datu Blah Sinsuat

  • Diane Hora
  • Feb 3
  • 1 min read

iMINDSPH



Nanguna ang mga kawani Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ng Maguindanao del Norte sa pamamahagi ng disaster preparedness assistance sa bayan ng Datu Blah Sinsuat.


Ito’y kasunod ng mga nararanasang pagyanig. Sinuportahan naman ni Mayor Raida Tomawis Sinsuat at Vice Mayor Mikhaela Marsha Sinsuat ang hakbang, gayudin ang tanggpan ni Vice Governor Datu Marshal Sinsuat.


Sa ilalim ng programang Development, Transformation, and Opportunity for Maguindanao del Norte o DTOM, pinagtitibay ng liderato ni Governor Datu Tucao Mastura ang koordinasyon at ugnayan ng probinsya at munisipyo.


Ayon sa mga opisyal, mahalaga ang ganitong inisyatiba upang matiyak na ang mga komunidad ay may sapat na kaalaman, kagamitan, at kakayahang tumugon sa mga emergency—lalo na sa mga lugar na lantad sa panganib ng pagbaha, lindol, at iba pang natural na sakuna.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page