top of page

PDRRMO, PGSO, PEO at CSU, nagsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis sa kapitolyo ng Maguindanao del Sur kasunod ng serye ng nararanasang pagyanig

  • Diane Hora
  • Jan 30
  • 1 min read

iMINDSPH


Upang matiyak ang kaligtasan ng mga kawani at ng publiko, nagsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Provincial Capitol sa Buluan, araw ng Huwebes Enero 29, 2026, kasunod ng serye ng lindol na nararanasan sa lalawigan.


Isinagawa ang assessment sa tulong ng Provincial General Services Office (PGSO), Provincial Engineering Office (PEO), at Civil Security Unit (CSU).


Layunin ng RDANA na suriin ang kalagayan at integridad ng mga gusali ng pamahalaan, matukoy ang posibleng pinsala, at agad na mailatag ang mga kinakailangang hakbang para sa pagkukumpuni at pagpapatupad ng mga safety measures.


Ayon sa mga opisyal, mahalagang masiguro na ligtas at matibay ang mga pasilidad ng pamahalaan, lalo na sa gitna ng patuloy na pagyanig, upang hindi malagay sa panganib ang mga empleyado at mamamayang may transaksyon sa kapitolyo.


Binigyang-diin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang kanilang patuloy na paninindigan sa kaligtasan ng mga kawani at constituents, at tiniyak na ang mga resulta ng isinagawang RDANA ang magiging batayan ng mga susunod na aksyon upang masigurong ligtas ang Provincial Capitol at mga karatig na pasilidad.


Patuloy namang hinihikayat ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad habang nagpapatuloy ang monitoring sa sitwasyon ng lindol sa lalawigan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page