PEACE AND ORDER SA MAGUINDANAO DEL SUR Prayoridad na maresolba ni Governor Datu Ali Midtimbang dahil naka apekto aniya sa imahe ng lalawigan ang mga insidenteng pananambang at barilan; pagkakasundo
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Ilang kumander ng MILF at pamilya sa Maguindanao del Sur na may hindi pagkakaunawaan ang napagkasundo simula nang maupo sa pwesto bilang gobernador si Datu Ali Midtimbang.
Isa aniya sa mga pangunahing problema pagdating sa peace and order sa lalawigan ay ang rido. Sa pagkakasundo, bahagi rin ang pagbibigay ng financial assistance ayon sa gobernador.
Aminado ang gobernador sa epekto ng mga pangyayari sa probinsya tulad ng pananambang at pamamaril sa imahe ng lalawigan.
Tinututukan din umano ng kanyang administrasyon ang maresolba ang mga insidente ng pamamaril at pananambang at mapanagot ang nasa likod ng mga insidente.



Comments