Peace and Security sentrong usapin sa pulong sa pagbisita ni PNP PRO BAR Regional Director Jaysen De Guzman kay Maguindanao del Norte Congresswoman Bai Dimple Mastura
- Feb 23
- 1 min read
iMINDSPH

Masinsinang tinalakay sa pulong sa pagitan ni ni PNP PRO BAR Regional Director Jaysen De Guzman at Maguindanao Del Norte Congresswoman Bai Dimple Mastura ang mga konkretong hakbang upang higit pang palakasin ang peace and security situation sa rehiyon, lalo na sa lalawigan at Cotabato City.
Bukod dito, napag-usapan din ang mga programang, serbisyo, at proyektong maaaring i-extend ng tanggapan ng mambabatas upang masuportahan ang mga inisyatiba ng PRO BAR sa pagpapanatili ng kaayusan, proteksyon ng komunidad, at pagpapalakas ng tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.
Para kay Congw. Bai Dimple Mastura, ang seguridad ay pundasyon ng kaunlaran, at sa matibay na koordinasyon ng pamahalaan at kapulisan, mas nagiging posible ang isang BARMM na ligtas, matatag, at may tunay na pag-asa para sa bawat pamilya.



Comments