top of page

Pedicab Driver, Timbog sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Cotabato City

  • Feb 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Himas rehas ang isang pedicab driver matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad


Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Khalid”, 35-anyos, may asawa, at residente ng Tukananes Street, Poblacion 7, Cotabato City.


Bandang alas-2:00 ng hapon, araw ng Martes, nang magsagawa ng buy-bust operation ang City Police Drug Enforcement Unit, katuwang ang Police Station 1 at City Intelligence Unit ng Cotabato City Police Office, sa koordinasyon ng PDEA-BARMM.


Matagumpay na nakabili ang poseur-buyer ng dalawang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 0.08 gramo at may tinatayang Standard Drug Price na ₱544.00.


Nakumpiska rin mula sa suspek ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱500.00 at isang improvised glass tube o tooter na ginagamit sa droga.


Sasailalim ang suspek sa booking procedure, medical examination at drug test, habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa kanya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page