PEKENG SAPATOS Na nagkakahalaga ng halos ₱349.6 Million, nasamsam sa sinalakay na dalawang warehouse sa Pampanga
- Mar 3
- 1 min read
iMINDSPH

Halos ₱349.6 million na halaga ng hinihinalang pekeng sapatos ang nasamsam ng Philippine National Police sa isinagawang dalawang magkahiwalay na raid sa mga bodega ng sapatos.
Ikinasa ng PNP ang dalawang search warrant kaugnay ng paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.
Sa unang operasyon na isinagawa sa Barangay Balucuc, nasamsam ang 181 kahon ng hinihinalang counterfeit footwear, 30 sako ng resin raw materials, apat na heavy machines, at iba’t ibang production equipment na tinatayang nagkakahalaga ng ₱216,305,000.
Sa ikalawang raid naman sa isa pang warehouse sa loob ng parehong compound, nakumpiska ang 1,481 kahon ng hinihinalang trademark-infringing footwear na nagkakahalaga ng ₱133,290,000.
Hindi umano naabutan sa lugar ang mga suspect.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa posibleng pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga responsable.



Comments