top of page

Period of amendments hinggil sa panukalang batas na naglalayong protektahan ang mga human rights defenders sa BARMM, nagpapatuloy

  • Diane Hora
  • Oct 21
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ang Parliament Bill No. 66, o ang Bangsamoro Human Rights Defenders Protection Act of 2025, na inakda ng dating Member of Parliament Amilbahar Mawallil, ay naglalayong i-institutionalize ang mga proteksyon para sa mga indibidwal at grupong nagtatrabaho upang itaguyod ang karapatang pantao.


Ang panukala ay co-authored nina MPs Laisa Alamia, Baintan Ampatuan, Rasol Mitmug Jr., Suharto Ambolodto, Rasul Ismael, at Don Mustapha Loong.


Sa pagpupulong, ipinagpatuloy ng komite ang pagrepaso sa mga probisyon na tumutukoy kung sino ang maituturing na HRDs, ang kanilang papel sa pagtataguyod ng rule of law, at ang mga responsibilidad ng Bangsamoro Human Rights Commission (BHRC) sa pagbibigay-proteksyon sa kanilang mga karapatan.


Ang mga lalabag sa batas ay maaaring makulong nang hanggang isang (1) taon o pagmultahin ng hindi lalagpas sa ₱5,000.


Ayon kay Committee Chair Ambolodto, tatalakayin pa ng komite ang panukalang batas kasama ang Policy Research and Legal Services upang matiyak na ito ay naaayon sa data privacy laws at malinaw na matukoy kung kailan maituturing na may paglabag.


Binigyang-diin din niya na ang pagpapatupad ng karapatan ng mga HRDs ay nagbibigay-daan sa kanila na mas epektibong maitaguyod ang human rights advocacy sa Bangsamoro region.


Muling magpupulong ang komite sa Huwebes para sa karagdagang deliberasyon at inaasahang isusumite ang kanilang committee report sa plenaryo sa susunod na linggo.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page