Person Deprived of Liberty (PDL), nakatakas sa Cotabato City Jail; PDL, patuloy na tinutugis ng awtoridad
- Diane Hora
- Jan 28
- 1 min read
iMINDSPH

Tinutugis ng awtoridad ang isang Person Deprived of Liberty na pumuga mula sa male dormitory ng Cotabato City Jail sa Rosary Heights 10.
Natakas ito, ala 7:00 kagabi, January 27. Kinilala ang tumakas na PDL na si Jason Kasan Maulana, alyas “Bombo” at “Dumbo S. Sanguan”, 21 taong gulang, may asawa, isang mangingisda, at residente ng Purok Bonsain, Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City.
Agad namang nagsagawa ng koordinasyon at hot pursuit operation ang mga tauhan ng Police Station 2 ng Cotabato City Police Office, katuwang ang City Mobile Force Company (CMFC), Mobile Patrol Unit (MPU), Criminal Investigation Unit (CIU), at mga personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang matunton ang kinaroroonan ng tumakas na PDL.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong paraan ng pagtakas at kung may pananagutan ang sinumang indibidwal sa insidente. Nanawagan din ang pulisya sa publiko na makipagtulungan at agad ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang impormasyong makatutulong sa agarang pagkakaaresto sa tumakas na PDL.



Comments