PERSONAL NA NAKIRAMAY AT NAGPAABOT NG P200K TULONG PINANSIYAL ang Provincial Government ng Maguindanao del Norte sa pamilya ng pumanaw na Sepak Takraw athlete mula sa Lamitan City, Basilan na kalahok
- Apr 17
- 1 min read
iMINDSPH

Dumating sa burol ng sampung tulang na atleta si Board Member Darwin Panga sa Sitio Baroy, Barangay Ubit, Lamitan City, Basilan.
Kasama ni Board Member Panga ang mga board members ng Basilan na sina Nash Salain, Miko Martinez Asarul, at Datu Maanras Gadja
Personal na iniabot ni Board Member Panga ang ₱200,000 tulong pinansyal mula sa Provincial Government ng Maguindanao del Norte sa pamumuno ni Gov. Datu Tucao Mastura sa pamilya ng atleta.
Ayon kay Panga, ang ibinigay na tulong ay sumisimbolo sa pagkakaisa at malasakit ng mga lider sa rehiyon sa gitna ng pagdadalamhati ng pamilya.
Patuloy rin ang pagdating ng suporta mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at sektor para sa pamilya ng nasawing atleta, na nagbigay ng karangalan sa kanyang komunidad sa larangan ng isports.



Comments