top of page

Petition for indirect contempt, inihain sa Korte Suprema laban sa ilang miyembro ng BTA Parliament

  • Jan 6
  • 1 min read

iMINDSPH


Isang petition for indirect contempt ang inihain sa Supreme Court of the Philippines laban sa ilang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament, kabilang dito sina MP Naguib Sinarimbo, MP Ishak Mastura, MP Tomanda Antok, MP Zulfikar-Ali Bayam, MP Rasul Ismael, MP Kitem Kadatuan, MP Rasol Mitmug Jr., MP Amenodin Sumagayan, MP Romeo Sema at MP Baintan Ampatuan.


Ang petisyon ay isinampa noong Enero 5, 2026 ni Zaoawi Buludan, alinsunod sa Rule 71 ng Rules of Court.


Sa kanyang petisyon, iginiit ni Buludan na nabigo ang mga respondent na miyembro ng BTA na tuparin ang malinaw na utos ng Korte Suprema sa loob ng itinakdang panahon. Aniya, ang kawalan ng isang bagong redistricting law ay maituturing na hayagang pagsuway sa direktiba ng korte at maaaring makaapekto sa patas na representasyon at sa integridad ng nalalapit na halalang rehiyonal.


Hiniling din ang isang Extremely Urgent Motion to Conduct a Special Raffle upang mapabilis ang pagdinig at resolusyon ng kaso.


Sa ngayon, ang petisyon para sa indirect contempt ay nakabinbin pa sa Korte Suprema. Wala pang inilalabas na pinal na aksiyon ang korte hinggil sa reklamo.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page