top of page

PGSO Maguindanao del Sur, mas magiging maagap, mas bukas at mas maasahan sa serbisyo ang direksyon na tatahakin ngayong taong 2026

  • Jan 5
  • 1 min read

iMINDSPH



Mas pagbubutihin pa ng Provincial General Services Office o PGSO ng Maguindanao del Sur ang serbisyo at mas maging handa sa pagsuporta sa pamahalaang panlalawigan.


Ito ang tatahakin na direksyon ng tanggapan ngayong taong 2026.


Bilang sentrong tanggapan ng suporta, aminado ang PGSO na ang kanilang kahandaan ay may direktang epekto sa kakayahan ng bawat opisina ng probinsya na makapaghatid ng serbisyo sa publiko. Kung maayos ang suporta, mas mabilis at mas maayos din anilang makakapaglingkod ang buong gobyerno ng lalawigan.


Ayon sa PGSO, ngayong taon, hindi dapat ang salitang “makasabay.”


Hihigitan umano ng tanggapan ang inaasahan sa pamamagitan ng pagiging mas maagap sa mga pangangailangan, mas bukas sa proseso, at mas responsable sa bawat gawain.


Para sa PGSO, ang mga paghahandang kanilang ginagawa ang magsisilbing pundasyon ng isang mas mabisa at mas tumutugong pamahalaang panlalawigan—isang gobyernong mas ramdam at mas kapaki-pakinabang para sa lahat ng mamamayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page