PHIVOLCS, nagbabala sa publiko na maging alerto at handa sa posibleng aftershocks matapos maitalaga ang serye ng pagyanig sa karagatang sakop ng Kalamansig sa lalawigan ng Sultan Kudarat
- Diane Hora
- Jan 22
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon sa DOST-PHIVOLCS, nakapagtala sila ng humigit-kumulang 400 sunud-sunod na mahihina hanggang katamtamang lakas na lindol sa paligid ng Kalamansig mula alas-diyes singkwenta’y dos ng gabi ng Enero 19, 2026, hanggang ala-una ng hapon ng Enero 21, 2026.
Sa naturang bilang, 135 lindol ang na-plot na may lakas mula magnitude 1.5 hanggang magnitude 5.2, habang mahigit dalawampu naman ang aktuwal na naramdaman at naitala na may katumbas na intensity.
Bagama’t wala pang ulat ng malawakang pinsala, patuloy na mino-monitor ng PHIVOLCS ang aktibidad ng lindol at pinaalalahanan ang publiko na manatiling alerto at handa sa posibleng aftershocks.
Pinayuhan ang mga residente na isagawa ang DUCK o DROP, COVER, at HOLD tuwing may lindol.
Para naman sa mga nakatira sa baybaying lugar, pinaigting ang babala laban sa posibleng lokal na tsunami.
Paalala ng PHIVOLCS ang tatlong senyales na dapat bantayan, ito ang SHAKE o malakas na pagyanig, DROP o biglaang pagbabago ng lebel ng tubig-dagat at ROAR o kakaibang tunog na tila dagundong ng paparating na alon
Kapag napansin ang alinman sa mga ito, agad na lumikas patungo sa mataas na lugar o papalayo sa dagat.
Hinimok ng PHIVOLCS ang publiko na manatiling kalmado ngunit mapagmatyag, at patuloy na sumubaybay sa opisyal na website at social media accounts ng ahensya para sa mga pinakahuling update.



Comments