top of page

PHP15,000 LIVELIHOOD ASSISTANCE Tinanggap ng 59 benepisyaryo ng Bangsamoro Sagip Kabuhayan Program sa Maguindanao del Sur

  • Apr 16
  • 1 min read

iMINDSPH


Isinagawa ang pamamahagi ng livelihood assistance sa 59 indigent individuals mula sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao del Sur sa ilalim ng Bangsamoro Sagip Kabuhayan o BSK program noong April 10, 2026 sa Barangay Manongkaling.


Pinangunahan ito ng MSSD katuwang ang tanggapan ni Member of Parliament Arch. Edward Uy Guerra.


Sa kabuuan, 50 benepisyaryo ay mula sa Mamasapano, anim (6) mula sa Rajah Buayan, at tatlo (3) mula sa Shariff Saydona Mustapha.


Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tig-PHP15,000 na one-time livelihood assistance upang makatulong sa pagsisimula ng bagong income-generating activity o pagpapalago ng kasalukuyang kabuhayan.


Pinondohan ito sa pamamagitan ng Transition Development Impact Fund (TDIF) ni MP Guerra.


Layunin ng programa na suportahan ang socio-economic recovery ng conflict-affected families at palakasin ang resiliency ng mga komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page