Php196,000 halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng awtoridad mula sa isang sasakayan sa checkpoint sa Alabel, Sarangani Province
- Teddy Borja
- Sep 10
- 1 min read
iMINDSPH

Nakumpiska ng awtoridad ang 196 thousand pesos na halaga ng smuggled cigarettes sa isang checkpoint operation sa bayan ng Alabel. Arestado rin ang isang lalaki sa operasyon
Kinilala ang driver ng sasakyan sa alyas na “Cezar”, 37 years old at residente ng Brgy. Labangal, General Santos City.
Nahuli ito sa checkpoint, araw ng Lunes, September 8.
Walang naipakitang legal na dokumento ang driver sa mga karga nitong sigarilyo kaya ito hinuli ng pulisya.
Hawak na ng Alabel Municipal Police Station ang suspek para sa proper documentation.



Comments