top of page

Pinadali na ng PSA, tulad ng pagkuha ng Birth Certificate dahil fully digital na ito sa pamamagitan ng e-certificate service

  • Feb 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa pamamagitan ng PSAHelpline.ph, fully digital na ang proseso, mula aplikasyon, identity verification hanggang pag-isyu ng dokumento ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.


Saklaw ng serbisyo ang birth, marriage, at death certificates, gayundin ang CENOMAR at CENODEATH na may kaparehong ligal na bisa sa pisikal na kopya.


Ayon kay PSA Deputy National Statistician Minerva Eloisa Esquivias, may AI-assisted validation, liveness check at tamper detection ang sistema para maiwasan ang panloloko, ayon sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.


Sinabi naman ni National Statistician Claire Dennis Mapa na makatutulong ang digital records sa mas mabilis na transaksyon ng mamamayan sa mga bangko, ahensya ng gobyerno, at pribadong kumpanya, dagdag pa sa report.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page