top of page

PINALALAKAS ANG CULTURAL TOURISM Maguindanao del Sur, sinanay ang mga LGU sa pamamahala sa mga museo

  • 3 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Nagsilbing learning platform para sa mas malalim na pag-unawa sa mahahalagang aspeto ng museum development—kabilang ang curation, preservation, documentation, at community engagement, ang isinagawang pulong hinggil sa museum management ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur.


Nakatuon ang programa sa pagbibigay ng praktikal na kasanayan, teknikal na kaalaman, at strategic outlook sa mga kalahok upang epektibo nilang maplano, maitatag, at mapatakbo ang kani-kanilang lokal na museo. Bahagi ito ng mas malawak na layunin ng lalawigan na mapangalagaan ang kultura, mapalakas ang lokal na identidad, at maipakita ang natatanging pamana ng bawat komunidad.


Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, inaasahan ng Provincial Tourism Office na mas mapapaigting ang papel ng mga museo bilang sentro ng kasaysayan at kultura—na magsisilbing tulak sa paglago ng cultural tourism sa Maguindanao del Sur.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page