Pintor, arestado sa buy-bust operation sa Cotabato City; Hinihinalang shabu, nasamsam
- Jan 14
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang pintor sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa lungsod.
Bandang alas-8:35 ng gabi, January 12, 2026, ikinasa ng Police Station 2 ng Cotabato City Police Office ang buy-bust operation sa tapat ng NDH sa Sinsuat Avenue, Barangay Rosary Heights 9.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng suspek na kinilala bilang alyas “Joel”, 38-anyos, binata, pintor, at residente ng Urban 4, Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City.
Matagumpay na nabilhan ng police poseur-buyer ang suspek ng dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 0.11 gramo na nagkakahalaga ng ₱700.00.
Nasamsam din mula sa suspek ang pitong piraso ng tig-₱100 na ginamit bilang marked money.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cotabato City Police Office ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang ang mga nasamsam na hinihinalang ilegal na droga ay isusumite sa RFU-BARMM para sa laboratory examination.



Comments