top of page

Pitong CTG members sa Agusan del Sur, nagbalik-loob sa gobyerno at kusang isinuko ang mga armas

  • Teddy Borja
  • Jan 19
  • 1 min read

iMINDSPH


Nagbalik-loob sa gobyerno ang pitong miyembro ng Communist-Terrorist Group at kusang isinuko ang kanilang mga armas sa Brgy. Bunawan Brook.

Pitong miyembro ng CTG, kabilang ang kilalang si alyas “Akel”, ang kusang nagsuko ng kanilang mga armas at bumalik sa komunidad.


Ayon sa PNP, nagsagawa ng tactical support ang 1st Special Action Battalion (1SAB) kasama ang 2nd Agusan del Sur Provincial Mobile Force Company (ADSPMFC) upang matiyak ang ligtas at maayos na pagsuko ng grupo.


Kasama sa mga isinukong armas ang rifles, pistols, homemade shotguns, at mga bala. Ang mga sumuko ay pinroseso at dinokumento para sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP, na nagbibigay ng suporta para sa reintegrasyon ng mga dating rebelde sa kanilang komunidad.


Pinayuhan ng PNP ang iba pang miyembro ng insurgency na isaalang-alang ang boluntaryong pagsuko, at tiniyak ang ligtas na reintegration, tulong sa kabuhayan, at iba pang serbisyo sa pamamagitan ng mga programang tulad ng E-CLIP.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page