Pitong sachet ng hinihinalang marijuana, nasamsam ng pulisya; Suspek, arestado
- Jan 27
- 1 min read
iMINDSPH

Isang indibidwal ang naaresto sa Ronda Patrol ng pulisya matapos makumpiskahan ng hinihinalang marijuana bandang hatinggabi.
Isinagawa ang operasyon, January 23, 2026, sa Km. 12, Panacan Avenue, Barangay Panacan, Davao City.
Nasamsam mula sa suspek ang pitong (7) sachet ng hinihinalang pinatuyong marijuana na may fruiting tops. Agad na inaresto ang suspek na nahaharap sa paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang naarestong suspek, kasama ang mga nakumpiskang ilegal na droga, ay kasalukuyang nasa kustodiya ng istasyon para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.



Comments