PITONG WANTED PERSONS, TIMBOG sa serye ng manhunt operations sa South Cotabato at kalapit na lugar
- Apr 17
- 1 min read
iMINDSPH

Sa South Cotabato—
Pitong (7) wanted persons ang arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa iba’t ibang bayan sa lalawigan at karatig lungsod. Matagumpay na naaresto ang pitong indibidwal na may kinakaharap na iba’t ibang kaso kabilang ang slight physical injuries, illegal gambling, rape, rape by sexual assault, at paglabag sa R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Kabilang sa mga naaresto ang isang Regional Most Wanted Person, isang Provincial Most Wanted Person, at isang Top Regional Most Wanted Person na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad.
Ang iba pang mga suspek ay may mga nakabinbing warrant of arrest mula sa iba’t ibang hukuman, kabilang ang mga kasong walang inirekomendang piyansa.
Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng mga lokal na himpilan ng pulisya, regional intelligence units, CIDG, RIU, RMFB, at iba pang support units.
Lahat ng naaresto ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng kani-kanilang police stations para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.



Comments