PLAYGROUND EQUIPMENT, HYGIENE KITS Kaloob ng MSSD sa iba’t ibang Child Development Centers sa Madamba, Lanao del Sur
- Apr 7
- 1 min read
iMINDSPH

Tumanggap ng outdoor playground equipment at hygiene kits mula sa MSSD ang iba’t ibang Child Development Centers (CDCs) sa bayan ng Madamba, Lanao del Sur, nitong Marso 31, 2026.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang Pantar CDC na tumanggap ng mga outdoor playground equipment para sa mga batang nasa day care.
Samantala, animnapung (60) day care learners mula sa Ilian CDC at Kalinga CDC ang nabigyan ng mga hygiene kits.
Ang nasabing pamamahagi ay bahagi ng pagpapatupad ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Program ng MSSD, na naglalayong magbigay ng de-kalidad na maagang edukasyon sa mga batang nasa day care.
Layunin ng programang ito na hubugin hindi lamang ang kaalaman at kakayahan ng mga bata, kundi pati ang kanilang pangkalahatang pag-unlad sa pisikal, sosyal, emosyonal, at kognitibong aspeto.



Comments