iMINDSPH

Upang itaguyod ang integridad para sa 2025 Midterm Elections,pinangunahan ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil ang dalawang araw na special meeting sa pagitan ng mga political leaders sa BARMM a-24 hanggang a-25 ng Pebrero sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.

Nagharap sa meeting ang mga political leaders kabilang ang BARMM Grand Coalition and the United Bangsamoro Justice Party na nagbigay ng kanilang insights at concerns bilang suporta sa malaya, patas at credible elections.

Ang pulong ay pinangasiwaan ni Police Brigadier General Romeo Macapaz, ang Regional Director ng PNP PRO BAR.

Nagresulta ng mahalagang kasunduan at istratehiya na may layunin na matiyak ang isang secure at transparent electoral process.
Comentarios