PNP, matagumpay na na-eradicate ang malawak na marijuana plantations sa Benguet
- Teddy Borja
- Jan 13
- 1 min read
iMINDSPH

Winasak ng awtoridad ang tinatayang ₱4.8 million na halaga ng marijuana plants sa kabundukan ng Benguet.
Nasa 18,000 fully grown marijuana plants ang winasak sa isang malawakang operasyon na isinagawa sa nasabing probinsya.
Isinagawa ang operasyon mula alas-1 ng hapon hanggang alas-5:30 ng hapon, kung saan nadiskubre ng mga awtoridad ang anim na plantation sites at isang storage area na nakatago sa isang communal forest na may lawak na humigit-kumulang 2,250 square meters.
Sa operasyon, 18,000 fully grown marijuana plants at 10 kilo ng tuyong marijuana stalks ang nawasak at nasamsam, na may kabuuang Standard Drug Price na ₱4.8 milyon. Ang lahat ng ebidensya ay idinokumento at winasak sa lugar, habang ang mga sample ay isinailalim sa laboratory examination.
Pinangunahan ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company ang joint eradication operation sa Sitio Dalipey, Tacadang, Kibungan, Benguet, katuwang ang Kibungan Municipal Police Station, Benguet PPO, PRO Cordillera, at Philippine Drug Enforcement Agency–CAR.



Comments