PNP, may lead na sa kaso ng pamamaril sa SK Chairman ng Poblacion 5, Cotabato City at kapatid nito
- Teddy Borja
- Oct 6
- 1 min read
iMINDSPH

Ito ang kumpirmasyon mula kay PNP PRO BAR Regional Director Police Brigadier General Jaysen De Guzman.
Binaril ang magkapatid habang lulan ng sasakyan alas 10:30 ng umaga, araw ng Sabado sa Jose Lim Street, Barangay Poblacion 5
Sugatan din sa pamamaril si Patrolman Norsaiden Laguiali na isa sa mga rumisponde sa crime scene matapos magkaputukan sa pagitan ng mga suspek.
Ayon kay Cotabato City Police Office Public Information Office PLt. Rochelle Evangelista, apat ang suspek sa pamamaril na nakasakay sa 2 motorsiklo.
Hawak na rin umano ng CCPO ang cctv footage sa insidente.



Comments