top of page

PNP, naglabas ng mahigpit na babala laban sa bomb jokes; Mga pasahero, inimbestigahan at offloaded sa biyahe

  • Teddy Borja
  • Feb 3
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagbabala ang Philippine National Police laban sa pagbibiro tungkol sa bomba matapos ang sunod-sunod na bomb joke incidents sa Ninoy Aquino International Airport.


Isang pasahero ang umano’y nagbiro tungkol sa bomba habang sumasailalim sa routine baggage inspection sa NAIA Terminal 3. Agad itong iniulat ng Aviation Security personnel na nagresulta sa agarang pagresponde ng Philippine National Police Aviation Security Group, Explosive Ordnance Disposal Unit, at Canine Units.


Agad na isinailalim sa security lockdown ang lugar at isinagawa ang masusing inspeksyon sa mga bagahe. Kinumpirma ng mga awtoridad na walang natagpuang explosive o anumang mapanganib na materyal. Gayunman, ang pasahero ay in-escort para sa dokumentasyon at offloaded sa kanyang flight sa pakikipag-ugnayan sa airline authorities.


Samantala, noong Enero 26, isang pasahero naman na patungong Bacolod ang nagbiro rin umano tungkol sa bomba habang inilalagay ang kanyang bagahe sa overhead bin. Agad na ipinatupad ang airport security protocols at tumugon ang PNP AVSEGROUP, NAIA Police Station 3, at EOD units. Matapos makumpirmang ligtas ang bagahe, ang pasahero ay dinala rin para sa wastong disposisyon.


Ayon sa PNP, inihahanda na ang criminal complaints laban sa mga sangkot dahil sa paglabag sa Article 287 ng Revised Penal Code o Unjust Vexation at Presidential Decree No. 1727 o ang Bomb Joke Law.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page