top of page

PPDO ng MagSur, kabilang sa mga kalahok na LGU na sumailalim sa orientation hinggil sa GAD Focal Point System Functionality Assessment Tool at Gender Equality, Disability, and Social Inclusion

  • Diane Hora
  • Oct 7
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ang aktibidad ay inorganisa upang mabigyan ng panibagong kaalaman ang mga LGU at Indigenous Communities sa BARMM kaugnay sa mga istratehiya upang matiyak ang epektibong implementasyon ng gender-responsive programs at policies.


Tinalakay sa apat na araw ng aktibidad ang localization ng Magna Carta of Women at binigyang diin ang kahalagahan ng pagsasalin ng national provisions sa local actions para sa women empowerment.


Itinuro rin sa mga partisipante ang GAD Focal Point System Functionality Assessment Tool o GFAST na ginagamit para sukatin ang functionality ng GFPS sa LGUs.


Iprenisinta rin ang Gender Equality, Disability, and Social Inclusion o GEDSI framework sa orientation kung saan tinutukan ang inclusion ng kababaihan, kalalakihan, PWDs, senior citizens, solo parents, youth, Indigenous Peoples (IP) communities, at iba pang vulnerable groups sa planning, budgeting, at program implementation.


Tinalakay din ang SOGIE o Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression.


Nagbigay ng valuable insights sa pamahalaang panlalawigan ang orientation upang palakasin ang functionality ng Provincial GFPS sa pamamagitan ng systematic assessment at compliance ng GFAST tool.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page