top of page

Pre-planning activity para sa comprehensive development plan-executive legislative agenda ng bayan ng Sultan Mastura, isinagawa

  • Diane Hora
  • Oct 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa layuning palakasin ang mga proyekto, programa, serbisyo at plano para sa bayan ng Sultan Mastura, matagumpay na idinaos ang Pre-Planning Activity para sa Comprehensive Development Plan – Executive Legislative Agenda o CDP-ELA ng bayan, araw ng Martes.


Pinangunahan ito ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura, kasama sina Municipal Administrator Datu Rauf Mastura, MLGOO Jozaenne Maryll Joco at MPDC Engr. Mustapha Sinarimbo.


Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang line agencies, na nagbahagi ng mga pinakabagong updates at accomplishments kaugnay sa Comprehensive Development Plan – Executive Legislative Agenda.


Sa pamamagitan ng pre-planning activity na ito, mas mapapatatag ayon sa LGU ang ugnayan at koordinasyon ng iba’t ibang sektor, upang mas epektibong matukoy ang mga prayoridad na programa at proyektong pang-kaunlaran ng Sultan Mastura.


Ang Comprehensive Development Plan at Executive Legislative Agenda ay nagsisilbing roadmap o gabay ng lokal na pamahalaan para sa mga planong isasakatuparan sa loob ng susunod na mga taon, mula sa sektor ng imprastraktura, kalusugan, edukasyon, hanggang sa pangkabuhayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page