Preliminary Judging sa MDN Ramadhan Village sa lumang kapitolyo sa Simuay, Sultan Kudarat, sinimulan na ng mga hurado kung saan isinagawa ang evaluation, sinuri ang lasa, presentasyon at kalidad
- Feb 25
- 1 min read
iMINIDSPH

Nag-ikot na ang mga hurado sa bawat stall upang magsagawa ng initial evaluation, sinusuri ang lasa, presentasyon, kalidad ng produkto, at overall appeal ng bawat kalahok.
Ngunit ayon sa organizers, hindi lamang ang mga hurado ang dapat magpasya—inaanyayahan din ang publiko na tikman at maranasan mismo ang iniaalok ng bawat vendor.
Bukas ang Ramadhan Village mula 3:00 PM hanggang 6:00 PM para sa pre-Iftar snacks, at muling magbubukas mula 8:00 PM hanggang 11:00 PM para sa mga nais mag-enjoy ng late-night stroll at food trip.
Sa patuloy na pagdagsa ng mga bisita, inaasahang lalo pang sisigla ang kompetisyon at mas mapapatingkad ang diwa ng pagkakaisa at selebrasyon ngayong banal na buwan ng Ramadhan.



Comments