Preliminary report na naglalaman ng findings at rekomendasyon hinggil sa umano’y misuse ng LGSF Fund, ipipresinta na ng Blue Ribbon at Local Government Committees ng BTA Parliament sa plenary
- Sep 19, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Nagharap ang Blue Ribbon at Local Government Committees ng BTA Parliament, gabi ng Huwebes.
Ayon sa dalawang komite, ipipresinta na nila ang preliminary report sa plenary na naglalaman ng findings at recommendations hinggil sa umano’y misuse ng Local Government Support Fund o LGSF.
Ang report ay tugon sa ulat ng House Committee on Public Accounts ng Kongreso hinggil sa Local Government Support Fund sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon kay CLG Chair Atty. Naguib Sinarimbo kinikilala nito ang impact ng recommendation ng House of Representatives hinggil sa 2025 budget allocation para LGSF. Binigyang diin nito ang agarang tugon ng komite para matiyak na mapapakinabangan ng mga komunidad sa rehiyon ang pondo.
Sinabi naman ni BRC Chair Atty. Rasol Mitmug Jr. na kinakailangang maipaliwanag sa national government na ang LGSF na ginagamit sa rehiyon ay mula aniya sa local funds. Bagama’t magkapareho umano ang pangalan, magkaiba aniya ito sa pondo na pinangangasiwaan ng DBM.



Comments