President Ferdinand Marcos Jr, iba pang ASEAN LEADERS kasama si Japanese Prime Minister Sanae Takaichi sa 28th ASEAN-Japan Summit, nagpulong
- Diane Hora
- Oct 27
- 1 min read
iMINDSPH

Nagharap sa pulong si President Ferdinand R. Marcos Jr. at iba pang ASEAN Leaders kasama si Japanese Prime Minister Sanae Takaichi sa 28th ASEAN-Japan Summit. Ito ang unang pagpupulong ng regional bloc kasama ang kauna-unahang babaeng Prime Minister ng Japan, kasunod ng kanyang makasaysayang pagkahalal.
Ito ang unang pagpupulong ng regional bloc kasama ang kauna-unahang babaeng Prime Minister ng Japan, na si Sanae Takaichi sa 28th ASEAN-Japan Summit, kasunod ng kanyang makasaysayang pagkahalal.
Tampok sa agenda ng Summit, araw ng Linggo na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang mga paraan upang higit pang mapalakas ang mga tagumpay na naabot na, palawakin ang mga bagong oportunidad para sa kooperasyon, at patuloy na pagtibayin ang pagkakaibigan at pagkakaisa na matagal nang pinagtibay ng ASEAN at Japan.
Ang ASEAN-Japan Dialogue Relations ay unang itinatag noong 1973 at pormal na naitatag noong Marso 1977. Sa loob ng mahigit limang dekada, malaki na ang naging progreso sa mga larangan ng political-security, economic-finance, at socio-cultural cooperation sa pagitan ng dalawang panig.



Comments