Problema ng mga IP sa lupa sa probinsya ng Maguindanao del Sur, inilatag at binigyang ng agarang solusyon ng provincial government sa pangunguna ni Governor Datu Ali Midtimbang
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Inilatag ng mga IP sa Maguindanao del Sur ang kanilang hinaing hinggil sa problema sa lupa.
Sa isinagawang Peace Dialogue at Forum, binigyan ito ng agarang solusyon ng pamahalaang panlalawigan.
Ang pulong ay pinangunahan ni Governor Datu Ali Midtimbang sa bayan ng Datu Hoffer kasama ang mga opisyal ng 601st Brigade ng Philippine Army at iba pang stakeholders.
Binigyang-diin ng gobernador na sa pamamagitan ng maayos na dayalogo at pagtutulungan, maisasaayos ang usapin sa ancestral domain, IPRA Law, at matutulungan ang mga IP na magkaroon ng titulo sa kanilang sinasakang lupa para sa pangmatagalang kapayapaan.



Comments