PROBLEMA SA TUBIG AT KURYENTE Naranasan ng ilang atleta mula Basilan sa BARMMAA 2026; Kinaukulan, agad tumugon sa problema
- Apr 13
- 1 min read
iMINDSPH

Kinumpirma ng isang guro mula sa Basilan na may ilang kakulangan sa suplay ng tubig at kuryente sa kanilang billeting area para sa BARMMAA Meet 2026.
Sa panayam kay School Division Superintendent ng Lamitan City, Basilan na si Dr. Tim Undain Sanchez, ipinaliwanag naman ng opisyal ang naging sitwasyon
Sa kakulangan sa tubig at pansamantalang pagkawala ng kuryente, nakaapekto ito sa kanilang paghahanda, partikular sa pagkain ng mga delegado.
Kaugnay nito, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education sa mga naranasang isyu sa nasabing delegado.
Kinumpirma ng MBHTE na maayos at tuloy-tuloy ang BARMMAA Meet 2026, at agad na natugunan ang mga paunang isyu sa accommodation at suplay ng utilities tulad ng tubig at kuryente.
Nanawagan din ang ahensya sa publiko at media na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon upang maiwasan ang maling interpretasyon ng mga naresolbang isyu.



Comments