Proclamation Rally ng Mahardika Party at 29th anniversary celebration ng GRP-MNLF-OIC sa Cotabato City, dinagsa!
- Diane Hora
- Sep 8
- 1 min read
iMINDSPH

Dagsa ang mga supporters, kaanak at kaibigan ng Mahardika Party ni MNLF Founding Chairman Nur Misuari sa proclamation rally ng partido sa Cotabato City.
Nagkulay pula ang buong CSU gymnasium sa proclamation rally ng Mahardika Party at selebrasyon ng 29th anniversary ng GRP-MNLF-OIC na ikinasa sa Cotabato City, araw ng Linggo, September 7.
Pormal na ipinakilala ng partido ang mga Parliamentary District candidates at party nominees para sa 2025 BARMM Parliamentary Election.
Pinangunahan ito nina Members of Parliament Abdulkarim Misuari, Nurrheda Misuari, Randolph Parcacio, Romeo Sema, at Mahardika Party President Ustadz Adib Sayadi Misuari.



Comments