Proclamation rally ng Team Diretso at Team Agila sa bayan ng Paglat, Maguindanao del Sur, dinagsa!
- Diane Hora
- Apr 7
- 1 min read
iMINDSPH

Buo ang suporta ni reelectionist Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu Kasama ang kanyang runningmate Vice Gubernatorial candidate Datu Benzar Ampatuan, at reelectionist Congressman Mohammad Tong Paglas sa mayoral candidate ng Paglat na si Aladin Kamarudin, sa runningmate nito at mga kandidato ng Sangguniang bayan.

Dumalo ang gobernador sa proclamation rally ng Team Diretso at Team Agila kasama ang mga kandidato sa pagka Board Member na sina Alonto Montawal Bangkulit, Datu Yusseff Abubakar Paglas, Mamatanto Mamantal, Engr. Saidali Makakena at Mansor Makalay.

Dito inilatag ang mga plataporma ng bawat isa at ang kanilang maibibigay para sa ikabubuti ng probinsya.

Malakas naman ang naging sigaw at hiwayan mula sa mga dumalo ng pagpapakita ng kanilang buong pagsuporta sa TEAM AGILA hanggang sa darating na eleksyon.




Comments