top of page

Productivity Enhancement Program o PEP at orientation sa Batas Kasambahay o R.A. 10361, patuloy na ikinakasa ng BTWPB ng MOLE BARMM

  • Diane Hora
  • Oct 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Tuloy ang Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board sa kanilang serye ng Productivity Enhancement Program at orientation sa Batas Kasambahay o R.A. 10361.


Umabot sa 97 kasambahay o domestic workers ang dumalo sa dalawang araw na aktibidad na nagbigay-linaw hinggil sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas.


Sa tulong ng mga piling resource speakers, mas naunawaan ng mga kalahok ang mahahalagang probisyon ng R.A. 10361, kabilang ang tamang sahod, benepisyo, at proteksyon laban sa pang-aabuso.


Bukod sa mga talakayan, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kasambahay na ibahagi ang kanilang mga karanasan at magtanong hinggil sa kanilang kalagayan sa trabaho. Ipinakita nito ang kahalagahan ng programa sa pagbibigay-tinig sa kanilang tunay na sitwasyon at pang-araw-araw na hamon.


Ang inisyatiba ay bahagi pa rin ng mas malawak na programa ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) upang mapalawak ang kamalayan ng mga manggagawang kasambahay sa kanilang karapatan at masiguro ang kanilang kapakanan sa loob ng Bangsamoro region.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page