PROGRAM UPDATES, IMPLEMENTATION STATUS, 1ST QUARTER ACCOMPLISHMENTS tinalakay ng Project TABANG pati na rin ang iba pang operational concerns upang mapabilis at mapahusay pa ang paghahatid ng serbisyo
- Apr 9
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni Project Manager Brahim Lacua ang pulong kasama ang mga unit heads ng Project Management Office (PMO) upang talakayin ang program updates, implementation status, at first-quarter accomplishments para sa FY 2026, pati na ang iba pang operational concerns ng Project TABANG noong Lunes, Abril 6, 2026.
Naging mahalagang platform ang meeting para i-assess ang mga ongoing initiatives, tukuyin ang mga hamon, at bumuo ng mas epektibong strategies upang mapabilis at mapahusay ang delivery ng mga programa at serbisyo ng Project TABANG sa iba’t ibang lugar sa Bangsamoro region.
Nakatuon ang proyekto sa tatlong pangunahing components:
• Health
• Livelihood
• Humanitarian Response and Services
Sa naturang engagement, muling pinagtibay ng Project TABANG ang commitment nito na maghatid ng agarang at direktang tulong sa mga komunidad sa Bangsamoro, tinitiyak na nananatiling responsive at relevant ang kanilang mga programa sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.



Comments