Programa para mabigyan ng alternative livelihood ang mga dating umaasa sa illegal logging, inilunsad ni Gov. Mujiv Hataman sa Basilan sa ilalim ng "Sagip Kalikasan"
- Diane Hora
- Oct 21
- 1 min read
iMINDSPH

Sa kanyang first 100 days report, inanunsyo ni Governor Mujiv Hataman ang aniya’y critical component ng kanyang environmental agenda, ang "Sagip Kalikasan".
Layunin ng programa na magbigay ng alternative at sustainable livelihoods para sa mga indibidwal na nagsasagawa ng illegal logging.
Ayon sa gobernador, sa ilalim ng Sagip Kalikasan program, nakatakda na aniya ang hakbang para maghanap ng alternative livelihood para maibsan ang mababawasang kabuhayan ng mga dating umaasa sa illegal logging.
Kapag nagtagumpay ayon sa gobernador ang programa, mapapangalagaan ang kalikasan, mabibigyang-kabuhayan ang taumbayan, at mapapagtibay pa aniya ang industriya ng ecoturismo..



Comments