Programa para sa mga bata sa probinsiya ng Maguindanao del Norte, pinalalakas pa ng provincial government sa pamamagitan ng data-driven governance
- Jan 20
- 1 min read
iMINDSPH

Pinag-iibayo pa ng Technical Working Group na binuo ng provincial government ng Maguindanao del Norte, ang pagpapalakas ng mga programa para sa mga bata. Nanguna sa pakikilahok ang Gender an Development department of GAD.
Sa pamamagitan ng Local State of Children Report o LSCR monitoring at data management mas maayos na pag-aayos, pagpapatugma, at tuloy-tuloy na pagmomonitor ng datos mula sa mga local government units o LGUs.
Sa pulong, ibinahagi ang mga update hinggil sa Local Children’s Code (ICC/LCC), PCPC, at CRSA, kabilang ang konsolidasyon ng datos at mga key indicators na magsisilbing batayan ng mas epektibong pagpaplano para sa mga programang pangbata.
Pinagtibay rin ang mga plano para sa barangay at municipal orientations, pagsusumite ng kinakailangang dokumento sa CFSI, at ang isasagawang capacity building, coaching, at mentoring activities na nakatakda sa ikalawang linggo ng Pebrero sa Cotabato City.
Binigyang-diin ng mga kalahok ang kahalagahan ng mas matibay na koordinasyon ng mga LGU at mga katuwang na ahensya upang masiguro ang tumpak na datos at mas epektibong pagpaplano ng mga programa at serbisyong tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga bata.
Sa patuloy na pagpapaigting ng data-driven governance, inaasahang mas mapapalakas ang mga polisiya at programang pangbata—isang mahalagang hakbang tungo sa inklusibo at sustenableng kaunlaran sa Maguindanao del Norte.



Comments