top of page

Programang Kamustahan sa Barangay ni MP Atty. Naguib Sinarimbo, pinalalakas pa kasama ang MTIT

  • Diane Hora
  • Aug 5
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa pinalalakas na programang Kumustahan sa Barangay ng tanggapan ni MP Atty. Naguib Sinarimbo, tinungo ng mga kawani ng programa ang Mother Kalanganan, Kalangan I at Kalanganan II.


Sa pagkakataong ito, isinama ang Ministry of Trade, Investments, and Tourism (MTIT) para mapakinggan ayon sa mambabatas ang boses ng mga vendors at microbusiness owners sa mga barangay.


Ipinaliwanag ng MTIT sa pangunguna ni Director General Rosslaini Alonto ang mga available na financing services o pautang na kapital para sa mga gustong magsimula ng negosyo.


Nangako naman si Kap. Datu Bimbo Pasawiran na tutulong ang kanyang tanggapan para mas mapadali ang mga dokumentong kailangan ng mga residenteng kukuha ng mga serbisyo ng Ministry.


Isa ang Kumustahan sa Barangay sa nagiging tulay ayon sa opisyal sa pagitan ng mga serbisyo ng Bangsamoro Government at sa mga residenteng nangangailangan.


Bukod dito ay napapakinggan din umano mula mismo sa mga residente ang mga hinaing at pangangailangan nila sa mga lingkod-bayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page