Programang Libreng Sakay ng MOTC-BARMM sa Cotabato Awang Airport, magtatapos na bukas, January 28
- Diane Hora
- Jan 27
- 1 min read
iMINDSPH

Upang tumulong sa mga dumarating na pasahero sa Cotabato Awang Airport, isinagawa ng MOTC-BARMM ang hakbang sa pamamagitan ng mga attached agencies, ang Civil Aeronautics Board of the Bangsamoro at ang Bangsamoro Airport Authority—kung saan maaaring mag-avail ang mga pasahero ng libreng transportasyon mula Cotabato Airport patungong City Plaza.
Mula Enero 21 hanggang Enero 28, 2026 maaaring samantalahin ang libreng sakay bilang bahagi ng Foundation Day week support measures para sa publiko at mga bisita ng rehiyon.
Layunin ng programa na maghatid ng mas abot-kaya at commuter-friendly na serbisyo, gayundin ang palakasin ang passenger support sa panahon ng malalaking pagdiriwang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Dagdag ng MOTC–BARMM, patuloy nilang paiigtingin ang mga programang nakatuon sa accessible at maaasahang transport services bilang ambag sa mas maayos na karanasan ng mga biyahero at sa inklusibong pagdiriwang ng Bangsamoro Foundation Day.



Comments