Programang N.A.I.N.A sa Barangay, ilulunsad ng Sangguniang Bayan ng Sultan Kadarat kung saan naririnig ang boses ng mamamayan at inaaksyunan ang kanilang pangangailangan
- Diane Hora
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH

š-urture Unified and Responsive Legislation, š-dvance Inclusive and Strategic Policymaking, š-ntegrate Inclusive Governance for Local Development, š-urture Early Gains to Inspire Momentum
At š-nchor Sustainable Progress in Legislative Impact o NAINA sa barangay.
Ito ang susunod na flagship program na ilulunsad ng Sangguniang Bayan ng Sultan Kudarat.
Layunin nito na palakasin ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng mamamayan sa pamamagitan ng malinaw, maayos na magkakaugnay, at nakatuon sa tunay na pangangailangan ng komunidad na mga batas at programa.
Nakatuon ito sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat na makilahok sa pagbuo ng mga batas at plano para sa komunidad. Layunin nitong isama ang ibaāt ibang grupo, pakinggan ang kanilang mga pangangailangan, at lumikha ng mga makabuluhang patakaran na makatutulong sa pagbuti ng buhay ng mga tao.
Itinataguyod ng progama ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga komunidad, at iba pang sektor upang makamit ang iisang layunin. Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos, pagbabahagi ng mga ideya, at paggawa ng mga desisyon na makabubuti para sa lahat.
Ipinapakita ang simula ng positibong pagbabago at hinihikayat ang mas marami pang resulta na pakikinabangan ng mamamayan.
Sa pamamagitan umano ng pagpapanatili ng mga programang ito, ang mga unang hakbang ay nagiging pangmatagalang resulta para sa ating munisipalidad.



Comments