top of page

Projecrt TABANG, lumahok sa BEDC Sectoral Orientation para sa midterm update ng Bangsamoro Development Plan

  • Diane Hora
  • Oct 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Upang mas mapalakas pa ang mga isinasagawang stratehiya sa pagpa-plano ng mga programa sa ilalim ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG, dumalo ito sa BEDC sectoral orientation para sa ikalawang midterm update ng Bangsamoro Development Plan na pinagunahan ng Bangsamoro Planning and Development Authority, araw ng Martes.


Layunin ng orientation na repasuhin at i-update ang 2nd Bangsamoro Development Plan upang matiyak ang pagkakatugma nito sa national priorities, habang nananatiling responsive sa local and regional needs.


Ang mga kalahok ay binubuo ng BDP focal staff mula sa mga ministries, offices at agencies, kasama ang BPDA technical staff, kung saan sumailalim ang mga ito sa serye ng mga diskusyon at workshops na nakatuon sa pagva-validate ng sectoral challenges, pag-assess ng performance ng bawat opisina, at pagrecalibrate ng targets sa 2026–2028 sa pamamagitan ng HEPSTER Analysis.


Sa pamamagitan nito, matitityak na ang Bangsamoro Development Plan ay masisiguro na inclusive at nakaayon sa national goals.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page