Project SALAM Bangsamoro pinatatag ang sistema sa matagumpay na pagbuo ng Operations Manual
- Jan 6
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ng Project SALAM Bangsamoro ang pagbuo ng Operations Manual mula Disyembre 21 hanggang 25, 2025 sa Davao City.
Layunin ng aktibidad na makabuo ng malinaw, organisado, at pamantayang gabay sa mga proseso at pamamaraan ng tanggapan upang matiyak ang maayos na daloy ng trabaho, malinaw na pagtatalaga ng mga tungkulin, at pare-parehong pagpapatupad ng mga gawain.
Sa pamamagitan ng operations manual, inaasahang mas mapapalakas umano ang koordinasyon ng mga kawani at ang episyenteng pamamahala sa loob ng proyekto.
Ayon sa mga tagapagpatupad, ang nasabing manual ay magsisilbing pangunahing sanggunian sa araw-araw na operasyon at magiging pundasyon ng mas responsable at dekalidad na paghahatid ng serbisyo.
Bahagi rin ito ng mas malawak na pagsisikap na patatagin ang institusyonal na kaayusan at professional standards ng Project SALAM Bangsamoro.
Sa kabuuan, ang pagbuo ng Operations Manual ayon sa programa ay itinuturing na isang mahalagang milestone ng Project SALAM Bangsamoro, na inaasahang magpapalakas sa kakayahan nitong maghatid ng episyente, responsable, at makabuluhang serbisyo para sa kapakanan ng Bangsamoro.



Comments