top of page

Project TABANG naghatid ng elderly kits sa 300 senior citizens sa Cotabato City

  • Diane Hora
  • Jan 16
  • 1 min read

iMINDSPH


Matagumpay na naisakatuparan ng Project TABANG ang Humanitarian for Orphanages, Markadz, and Elderly with Special Needs O HOMES noong Huwebes, 15 Enero 2026, kung saan namahagi ng elderly kits sa 300 kwalipikadong senior citizens mula sa iba’t ibang barangay sa Cotabato City.


Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA), na pinamumunuan ni Arturo Calingasan, bilang pagpapatibay ng kanilang komitment na itaguyod ang kapakanan, dignidad, at kabutihan ng mga nakatatandang mamamayan, lalo na ang may espesyal na pangangailangan.


Sa pamamagitan ng HOMES sub-program, patuloy na dinadala ng Project TABANG ang compassionate at people-centered services sa mga komunidad, na sumasalamin sa kanilang misyon ng inklusibong humanitarian support at responsive governance.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page