PROJECT TABANG, nagsagawa ng assessment at validation activities para sa target beneficiaries ng ALAB at HOMES programs sa Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- Sep 15
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ng Project TABANG ang assessment at validation activities para sa target beneficiaries ng ALAB at HOMES programs sa maraming bayan sa Maguindanao del Norte sa pamamagitan ng Humanitarian Response and Services Unit ng programa
Ikinasa ang assessment at validation activities mula a-9 hanggang a-12 ng Setyembre.
Sa ilalim ng ALAB Program, tatlong barangay ang na-validate ng Project TABANG. Ito ay ang Kidama, Matanog, at Barangay Liong sa bayan ng Barira at Barangay Campo Muslim ng bayan ng Parang.
Sa ilalim ng HOMES Program, apat na institutions ang navalidate.
Ito ay ang Barangay Kidama sa Matanog, Barangay Lipawan sa Barira, Barangay Kirkir sa Sultan Mastura, at Barangay Polloc sa Parang.
Layunin ng assessement at validation ang matiyak na manatili ang programa na relevant, effective, at sustainable.
Ayon sa programa, malaking tulong ang assessment para sa design at guide interventions, habang ang validation ay magtitiyak sa accuracy, inclusivity, at proper beneficiary targeting.



Comments