Project TABANG, nagsagawa ng assessment at validation para sa ALAB at HOMES Programs sa Lanao del Sur at Lanao del Norte
- Diane Hora
- Oct 29
- 1 min read
iMINDSPH

Sa patuloy na pagpapatupad ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG sa mga programang nakatuon sa pagpapaunlad ng mga komunidad sa Bangsamoro, nagsagawa noong October 22 hanggang 28 ng assessment at validation sa mga target beneficiaries para sa ALAB at HOMES Programs sa mga lalawigan ng Lanao del Sur at Lanao del Norte.
Sa Lanao del Sur, apat na barangay ang sumailalim sa validation para sa ALAB Program, kabilang ang Barangay Lomidong at Barangay Cabingan sa Marawi City, Barangay Ranaranao sa Marantao at Barangay Pawak sa Saguiaran.
Samantala, apat na institusyon ang na-validate sa ilalim ng HOMES Program, sa Barangay Pawak at Barangay Batangan sa Saguiaran, at Barangay Cawayan Linuk at Barangay Cawayan Kalaw sa Marantao.
Sa Lanao del Norte, tatlong barangay naman ang na-validate para sa ALAB Program, partikular sa Barangay Pacalundo, Barangay Nangka at Barangay Sarip-Alawi sa Baloi.
Tatlong institusyon ang na-validate sa ilalim ng HOMES Program, sa Barangay Nangka, Barangay Pacalundo at Barangay Sarip-Alawi sa nasabing bayan.
Layunin ng assessment at validation na matiyak na ang mga interbensyon ng programa ay maipatutupad nang tama at maihahatid sa mga karapat-dapat at kwalipikadong benepisyaryo sa mga target na komunidad.



Comments